Sinuspinde ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang requirements para sa cash grants para sa mga benepisyaryo Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa Marawi City hanggang sa December 2018.
Sa pulong-balitaan ng Bangon Marawi sa Malacañang, sinabi ni Undersecretary Emmanuel Leyco, officer-in-charge ng DSWD, makakatanggap pa rin ng cash grants ang mga residente ng Marawi City kahit hindi pumapasok sa paaralan ang mga bata, hindi bumibisita sa health clinics o hindi dumadalo ng family development sessions.
Tiniyak ni Leyco sa 12,000 households na bahagi ng 4Ps na maihahatid ng DSWD ang serbisyo sa kanila.
Una sinuspinde ng DSWD ang requirements sa 4Ps sa Marawi City hanggang March 2018, ngunit pinalawig ito ngayon.
Samantala, tiniyak din ng DSWD na handa silang tugunan ang pangangaialangan ng lungsod, katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno.