Hindi natuloy ang nakatakda sanang turn over ngayong araw ng electronic jeeps sa Tacloban City, Leyte dahil sa Tropical Storm Urduja.
Base sa schedule, sina Transportation Secretary Arthur Tugade at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) chief Martin Delgra sana ang mangunguna sa isasagawang turn over ceremony sa 15 e-jeep units kay City Mayor Cristina Romualdez.
Pero ayon kay Henry James Roca ng City Information Office ng Tacloban, kanselado ang seremonya dahil sa hindi magandang panahon.
Itatalaga sana ang mga sasakyan sa mga barangay sa Tacloban kung saan maraming pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa Supertyphoon “Yolanda”.
Isa kasi sa nananatiling problema sa northern part ng Tacloban ay ang transportasyon lalo pa at 8,000 pamilya ang naninirahan doon.