P5M halaga ng shabu, nasabat sa Taguig

Inquirer File Photo | Noy Morcoso

Aabot sa P5 milyon halaga ng shabu ang nasabat mula sa dalawang drug suspects sa isinagawang buy-bust operation sa Taguig City.

Ang operasyon ay ikinasa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at gumamit ng police assets para makipagtransaksyon sa mga suspek.

Nang nagkakabutan na, doon na dinakip ang dalawang suspek.

Nagawa namang makatakas ng isa pa.

Nakuha mula sa mga suspek ang tinatayang P5 milyong halaga ng shabu at mga drug paraphernalia.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...