WATCH: Sasakyan, bumangga sa isang trailer truck na walang tail light

Kuha ni Mark Makalalad

Halos isang oras nagdulot ng pagbabara sa daloy ng trapiko ang pagbangga ng isang sasakyan sa trailer truck sa EDSA Roxas Blvd. flyover.

Ayon kay Ambrosio Payumo Jr, Head ng Pasay Traffic, alas-2:15 ng madaling araw nang mangyari ang aksidente.

Wala umanong early warning device at walang tail light ang truck kaya hindi ito napansin ng driver ng ford focus.

Basag ang harapan ng sasakyan ni Jonald Labindao, 35-anyos at residente ng Dasmarinas Cavite.

Narito ang ulat ni Mark Makalalad:

 

 

 

 

 

 

Read more...