P500K na halaga ng shabu nasabat sa shabu lab sa Antipolo

Isang shabu laboratory ang nadiskubre ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cogeo, Antipolo City.

Aabot sa P500,000 halaga ng mga shabu, marijuana at cocaine ang nasabat ng PDEA sa bahay na ginagamit din bilang shabu laboratory.

Naaresto sa nasabing bahay ang magkakabatid na Junjie, Junrel, at Jansen Chavez, gayundin sina Malome Amahan at Jess Christopher Marcaida.

Ayon sa PDEA Special Enforcement Service sa labas ay mukhang ordinaryong tahanan lang ang target pero nang mapasok ang loob nito, natuklasang ginagamit itong shabu lab.

Maliban sa mga nasabat na ilegal na droga, may nakuha ding mga drug paraphernalia at mga bala.

Ang iba sa mga nakuhang marijuana ay nakabalot na at handa nang ibenta.

 

 

 

 

 

Read more...