Sinabi ni Romina Marasigan, spokesperon ng NDRRMC, tuloy ang taunang aktibidad at hindi maapektuhan ng bagyo ang mga programang inalatag nila.
Sa katunayan nga aniya ay pagkakataon ito para makita emergency preparedness ng isang lugar.
Paliwanag pa ni Marasigan, dapat maging alisto at mabilis ang bawat isa sa panahon ng sakuna.
Makikita rin dito kung may pagbabago sa huling drill na ginawa nila at kung anong adjustment ang dapat gawin.
Sabay-sabay na isagawa ang earthquake drill alas-2:00 ng hapon na ang ceremonial area ay sa Sapang Palay, San Jose del Monte, Bulacan at ang lahat ay inaaanyayahang maki-duck cover and hold.