Mag-lolo, patay sa pamamaril sa Navotas

Kuha ni Mark Makalalad

Patay ang isang binatilyo at ang kaniyang lolo matapos pagbabarilin sa Brgy. Tangos, Navotas City.

Nakilala ang biktima na si Kenneth Maglunso, 15 anyos at Fernando Dela Cruz, 60 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon, away ng grupo ng mga kabataan ang ikinukunsiderang motibo sa pamamaril na nanaganap bago mag-alas 11:00 ng gabi.

Nasangkot daw kasi sa rambol si Kenneth kamakailan.

Bagaman napag-ayos na sa barangay ay nagbanta pa umano ang kaaway ni Kenneth na babalikan sya nito.

Kuwento ni Jayjay Dela Cruz, ama ni Kenneth, nagpaalam lang na bibili sa tindahan ang kaniyang anak nang lumabas ito ng bahay.

Maya-maya pa ay nakarinig na sila ng mahigit limang putok ng baril.

Lumabas naman ng bahay si Fernando at umawat sa mga suspek pero sa halip na pakinggan ay dinamay din sa pamamaril ang lolo.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa krimen at hinahanap na rin ang isang alyas JR na suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...