Sa abiso ng PAGASA, red rainfall warning ang itinaas sa mga lalawigan ng Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte at Southern Leyte.
Nagbabala ang PAGASA sa mga residente sa lugar na maari silang makaranas ng “serious flooding” at landslides.
Habang sa iba pang lalawigan gaya ng Cebu, Bohol at Siquijor, itinaas naman ang yellow rainfall warning at inalerto ang mga residente sa posibleng pagbaha.
Samantala, maging ang Mindanao ay naapektuhan na rin ng mga pag-ulan na hatid ng bagyong Urduja.
Nagtaas ang PAGASA ng yellow rainfall warning sa mga sumusunod na lugar:
- Misamis Oriental
- Camiguin
- Lanao del Norte
- Surigao del Norte
- Dinagat Islands
- Surigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, San Agustin, Tagbina, Hinatuan)
- Agusan del Norte
- Agusandel Sur (Sibagat, Esperanza)
- Davao Oriental (Boston, Cateel, Baganga)
- Davao City
- Davao Occidental (Malalag)
- Misamis Occidental
- Zamboanga del Norte
- Zamboanga del Sur
Ang mga residente sa lahat ng lugar na apektado ng rainfall advisory ay pinapayuhang patuloy na magmonitor sa mga ilalabas na abiso ng weather bureau.