Ito ay matapos itanghal na 1st runner-up ang Pinoy dance group na DMX Comvaleñoz, sa katatapos lamang na finale ng Asia’s Got Talent 2.
Tubong Cagayan Valley ang grupo na humataw sa kanilang makapanindig balahibong tumblings at sinkronisado na pagsayaw.
Hindi mapigilan ang audience at mga hurado sa pagpalakpak at paghiyaw sa naging performance ng grupo at nakatanggap din sila ng standing ovation.
Itinanghal na kampeon ang pambato ng Indonesia na si “The Sacred Riana” na nakatakdang mag-uwi ng $100,000 dollars o higit 5,000,000 piso.
Samantala, dalawa pang pinoy acts ang nagpasikat din sa finale ng kompetisyon sa katauhan ni Neil Rey Garcia Llanes na nagbeatbox at ng dance group na Urban Crew.
Kabilang ang tatlo sa siyam na performers mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya na naglaban-laban sa grand finals.
Matatandaang nanalo ang pambato ng Pilipinas na El Gamma Penumbra sa unang season ng kompetisyon.