Sa 11pm weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Urduja sa 140 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Napanatili naman nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong 90 kilometers per hour.
Gayunman, bahagya pang bumagal ang pagkilos nito sa 6 kilometers per hour habang tinatahak ang direksyong Northwest.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone warning signal number 2 sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran.
Signal number 1 naman ang nakataas sa Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Romblon, Masbate kasama ang Burias at Ticao Island.
Gayundin sa Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu kabilang ang Bantayan Island, Capiz, Aklan, at Northern Iloilo at Dinagat Islands.