Nakasaad kasi sa report ng COA na noong December 31, 2016, mayroon pang kabuuang P1.865 bilyong halaga ng “cash and cash equivalent” ang PCMC.
Ayon pa dito, ang P1.03 bilyon dito ay nasa ilalim ng “special high yield savings deposits,” habang ang P833 milyon ay nasa ilalim naman ng “cash on hand and in banks,” at naka-time deposit naman ang nalalabing P2.084 milyon.
Base sa financial statement, sinabi ng PCMC na bahagi na ng P1.865 bilyong cash and cash equivalent ang P1.15 bilyong inilaan para sa “Due to Other Funds-DOH.”
Nilinaw ng PCMC na ang P1.15 bilyong ito ay nakalaan para lamang sa iba’t ibang health program, pagtulong sa mga mahihirap na pasyente at pagbili ng Dengue vaccines.
Una nang sinabi ni dating Health Sec. Jannette Garin na ang PCMC angn inatasang bumili ng Dengvaxia vaccines mula sa Sanofi Pasteur, ngunit makikita sa audit report na bahagya lang ang itinaas sa bilang ng mga biniling gamot ng PCMC mula noong 2015 hanggang 2016.