Babaeng nasa watchlist ng PDEA, timbog sa Maguindanao

 

Nasukol sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao ang isang babaeng umano’y nasa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay PDEA-Autonomous Region in Muslim Mindnao (ARMM) director Juvenal Azurin, naaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga pulis at kanilang mga ahente si Vicky Sangkigay sa loob ng kaniyang tahanan base sa isinilbing search warrant na inilabas ng korte.

Nasabat mula sa tahanan ni Sangkigay ang 50 gramong shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P75,000, isang Bushmaster rifle, 10 iba’t ibang pistols at mga bala ng iba’t ibang kalibre, financial documents, passport at nasa P3 milyong cash.

Ayon sa pulisya, laman ng watchlist ng PDEA ang pangalan ni Sangkigay na hindi naman pumalag nang siya ay arestuhin ng mga otoridad.

Sa ngayon ay nakaditine siya sa selda ng PDEA-ARMM at mahaharap siya sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at illegal possession of firearms.

Read more...