Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pinasasalamatan ng Palasyo ang Kongreso dahil sa mabilis na pag-apruba sa budget.
Lalagdaan ni Pangulong Duterte ang budget o ang General Appropriations Act sa December 19.
Pagtitiyak pa ni Roque, gagamiting kasangkapan sa pagbabago at pondohan ang mga priority projects ng administrasyong magpapaangat sa kabuhayan ng mga mahihirap at mapalago ang ekonomiya ng bansa.
“So we assure everyone that we will use people’s money to good use as we thank everyone for working diligently and spending countless hours in planning and crafting this budget until its passage.”
Ayon kay Sec. Roque, tutugunan na rin ang naging problema sa nakaraan na “underspending” o mabagal na paggasta para sa mga mahahalagang proyekto ng gobyerno.
Pinasalamatan din ng palsyo ang Kongreso sa pagratipijka sa Tax Reform Bill.