Mga Pinoy na walang trabaho, bumaba-SWS

 

Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa third quarter ng 2017.

Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), nasa 18.9% ng Filipino adults ang nanatiling walan trabaho mula September 23 hanggang 27. Katumbas ito ng 8.9 milyong Pilipino.

Mas mababa ito sa 22.2% joblessness rate o 10.5 milyong Pilipino noong Hunyo.

Nasa 10.4% naman o 4.8 milyong Pilipino ang nagbitiw sa kanilang trabaho, 6.6% o 3.1 milyon Pilipino ang nawalan ng trabaho at 1.9% o 890,000 ang first-time job seekers.

Samantala, tumaas ang pessimism ng mga Pilipino sa 18% noong Setyembre mula sa 15% noong Hunyo. Ibig sabihin, dumami ang mga Pilipinong naniniwala na mas kakaunti ang magiging trabaho sa susunod na 12 buwan.

Bumaba rin ng isang puntos ang job optimism rate sa 45%. Sa kabila nito, nanatili pa rin itong “very high.”

Isinagawa ng SWS ang survey mula September 23 hanggang 27 sa 1,500 adult respondents sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa SWS, bahagi ng survey ang Filipino adults na nasa legal na edad na kasama sa labor force, partikular ang mga may kasalukuyang trabaho, walang trabaho at naghahanap ng trabaho.

Read more...