Ani Dela Rosa, handa siyang tanggapin ang naturang trabaho at posible aniyang kapag matapos na niyang magamapanan ang kanyang ‘special mission’ sa PNP ay saka siya malalagay sa BuCor.
Hindi rin tinitingnan ni Dela Rosa na isang ‘step down’ mula sa pagiging hepe ng PNP ang pamumuno sa BuCor. Aniya, depende lamang yun sa kung paano titingnan ng isang tao ang trabaho.
Ayon pa kay Dela Rosa, kung gagawin naman niya ang kanyang makakaya para sa ikabubuti ng gobyerno at ng buong Pilipinas ay hindi maituturing na mas mababang trabaho ang pagiging pinuno ng BuCor.
Nang tanungin naman kung may mensahe siya para sa mga nag-ooperate na drug suspects sa loob ng BuCor ay sinabi nito na ‘See you there.’ Babala pa nito, sisiguraduhin niyang hindi na magpapatuloy ang drug trafficking sa loob ng koreksyunal.
Ayon oa sa heneral, magiging madugo lamang ang drug war sa loob ng BuCor kung lalabanan siya ng mga drug lords sa loob.