Mga pulis na nabakunahan ng Dengvaxia, minomonitor ng PNP

Sinigurado ng Philippine National Police (PNP) na binabantayan nila ang nasa 14,000 PNP personnel na binakunahan ng kontrobersyal na dengue vaccine na Dengvaxia.

Ayon Dr. Carranza, ang naturang bilang ay ang lahat ng pulis sa buong Pilipinas na sumailalim sa anti-dengue immunization program ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

September ngayong taon ibinigay ang unang dose ng Dengvaxia at November naman ang ikalawa.

Ayon kay Carranza, inoobserbahan ang mga nabakunahang pulis at sa ngayon ay wala naman silang napapansin na anumang sintomas ng dengue.

Tiniyak ni Carranza na handang magbigay ng tulong ang PNP sa mga tauhan nito, sakaling magkaroon sila ng severe dengue.

Read more...