Independent Minority, magpapasaklolo sa SC kaugnay ng 1 year martial law extension sa Mindanao

Haharangin sa Supreme Court ng Independent Minority sa Kamara ang isang taong extension ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, pinaplantsa na nila ang petisyon at ihahain sa korte bago magpasko.

Sinabi ni Lagman na labag sa Saligang Batas ang isang taong extension ng martial law sa Mindanao dahil wala namang nagaganap na rebelyon.

Bukod dito, lagpas din anya ang inaprubahang extension ng Kongreso sa itinatakdang limitasyon ng Saligang batas.

Paliwanag pa ni Lagman, lalong walang basehan ang ipagpatuloy ng isang taon ang martial law dahil sa pahayag ng militar na banta pa lamang naman ang sinasabing karahasan ang gustong militar.

Read more...