Nagsagawa ng information dissemination campaign tungkol sa Republic Act 10586 o Anti Drunk and Drugged Driving Law ang Land Transportation Office (LTO) at Quezon City Police District (QCPD) Station 10 sa Tomas Morato sa Quezon City.
Ayon kay Fernando Eligio, chief ng law enforcement unit ng LTO, layunin ng kampanya ang ipaalala at ipaalam sa mga motorista na mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pagmamaneho nang naimpluwensyahan na ng ispiritu ng alak o droga.
Bagaman information dissemination ang pangunahing layunin ng LTO at QCPD sa pagtatayo ng checkpoint sa Tomas Morato ay hindi naman nila pinalagpas ang mga natyempuhang lumalabag na mga driver.
Dalawang lalaki ang arestado matapos matiyempuhan ng LTO at QCPD na nagmamaneho ng lasing.