WATCH: 6 na buwang bata, dinukot sa Luneta; aktwal na pagtanggay nasapul sa CCTV

Halos walang patid sa pagluha ang isang ginang matapos ma-kidnap ang kanyang anim na buwang gulang na anak sa Luneta Park, Manila.

Nagpasaklolo sa Manila Police District (MPD) ang biktima na si Sara Tumanguil kasama ang itinuturo nyang suspek na kumuha sa kaniya anak na dinakip sa pamamagitan ng citizen’s arrest.

Ang basehan ng ina sa pagdiin sa suspek, ang CCTV footage noong November 28 ng alas-10:00 ng umaga na nagpapakita sa babaeng may bitbit na bata at paalis ng Luneta.

Ayon kay Tumanguil, nagpunta lamang sya sa CR para dumumi at iniwan nya ang kanyang anak sa isang alyas Philip na nakatambay din sa Luneta at pagbalik niya wala na ang kaniyang anak.

Narito ang report ni Mark Makalalad:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...