Sa panukalang batas, ibababa ang income tax ng mga manggagawa pero asahan ang pagtaas ng presyo ng ilang bilihin at serbisyo.
Simula kasi sa susunod na taon, tataas na ang buwis sa gasolina, coal tax, cosmetic procedures at mga automobiles.
Sa ilalim ng pinal na bersyon ng TRAIN, ang mga manggagawang kumikita ng hindi hihigit sa P250,000 kada taon ay libre na sa pagbabayad ng income tax.
Libre na rin sa buwis ang kanilang 13th month pay at iba pang bonus na aabot sa P90,000.
Simula naman 2018, papatawan ng P7 na excise tax ang kada litro ng gasolina, P9 sa 2019 at P10 pagdating ng 2020.
Pero otomatikong sususpindihin ang buwis sa gasolina oras na umakyat sa US$80 ang kada bariles ng presyo nito sa merkado.
Samantala, ang mga nagbabalak namang bumili ng mga bagong sasakyan, papatawan rin ng dagdag na buwis.
4 percent ang ipapataw na tax sa mga bagong sasakyan na nagkakahalaga ng P600,000 P1 million.
20 percent sa mga sasakyang may halaga na P1 million hanggang P4 million.
Samantalang 50 percent na tax sa mga sasakyang nagkakahalaga ng mahigit P4 million.