Balik-senado si dating Pangulong Benigno Aquino III para humarap bilang resource person sa imbestigasyon sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia.
Kabilang si Aquino na isa ring dating senador sa mga naimbitahan ng Senate blue ribbon committee sa pagdinig kasama ang iba pang dating miyembro ng kaniyang gabinete.
Maliban kay Aquino, dumating din sa pagdinig si dating Budget Sec. Butch Abad at dating Executive Sec. Paquito “Jojo” Ochoa.
Una nang sinabi ni Aquino na handa siyang sabihin ang lahat tungkol sa pinasok na kontrata ng kaniyang administrasyon sa pagbili ng mga bakuna.
Muli ring humarap sa pagdinig si dating Health Sec. Paulyn Ubial, Sec. Francisco Duque, at mga kinatawan mula sa Sanofi Pasteur.
MOST READ
LATEST STORIES