3 bata ang patay, 7 pa ang sugatan sa aksidente sa Las Vegas

Tatlo bata ang nasawi at sugatan ang pitong iba pa sa aksidenteng naganap sa Las Vegas.

Naganap ang aksidente sa central valley sa intersection ng Eastern Avenue at Flamingo Road ayon sa Metropolitan Police Department.

Iniimbestigahan pa kung ano sanhi ng aksidente pero sa tweet ng Las Vegas police, higit sa dalawang sasakyan ang sangkot dito.

Sa pitong nasugatan, dalawa pa ang malubha ang kondisyon.

Dahil sa aksidente isinara sa daloy ng traffic ang nasabing intersection.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...