MMDA bus, nakasagi ng isang kotse sa EDSA-Kamuning

Kuha ni Justinne Punsalang

Nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic ang aksidenteng kinasangkutan ng MMDA bus sa kahabaan ng EDSA southbound,

Nasagi ng MMDA bus ang isang kulay itim na Toyota Corolla Altis na may plakang tQQ 139 sa EDSA-Kamuning tapat ng Quezon City Police District Station 10.

Ayon sa driver ng MMDA bus, hindi kasi agad gumilid ang kotse kaya ito nasagi.

Nagasgasan ang bumper ng kotse dahil sa naturang aksidente.

Ngunit dahil kapwa nagmamadali at nakadagdag ang dalawang sasakyan sa masikip na daloy ng trapiko ay nanghingi na lamang ng pasensya ang bus driver at hindi na naghain pa ng reklamo ang driver naman ng Altis.

Dahil naman naabala ang ilang mga pasahero ng MMDA bus ay lumipat ang mga ito sa isa pang MMDA bus na dumaan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...