Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 175 kilometers ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 8 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.
Dahil sa epekto ng nasabing bagyo itinaas na ng PAGASA ang signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
- Catanduanes
- Albay
- Sorsogon
- Masbate
- Eastern Samar
- Northern Samar
- Samar
- Biliran
- Leyte
- Southern Leyte
Ayon sa PAGASA, naghahatid ng kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan sa Visayas at sa mga rehiyon ng Bicol, Caraga at Northern Mindanao ang nasabing bagyo.
READ NEXT
Barangay at SK elections sa Mindanao posibleng suspendihin uli dahil sa martial law extension
MOST READ
LATEST STORIES