Ang kapalaran ng halalan ay nakasalalay sa pagsasagawa ng Commission on Elections (Comelec) ng public hearings ukol sa posibleng suspensyon.
Sa ilalim ng Omnibus Election Code, maaaring ipagpaliban ang pagsasagawa ng halalan sakaling nakapagsagawa ng serye ng mga pagdinig at nailabas ng mga may kinalamang grupo ang kanilang mga saloobin ukol sa isyu.
Ayon kay Comelec Commissioner Luie Guian, nararapat ang pagdinig tulad ng ginawa nila noong pagsuspinde rin sa halalan sa rehiyon dahil sa nagaganap na rebelyon at umiiral na ‘state of lawlessness’.
Iginiit ng opisyal na ikokonsidera ang martial law ngunit maiigi itong pag-iisipan bago sila magdesisyon ukol sa naturang isyu.
Samantala, sinabi naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang Comelec bilang isang ‘independent body’ ay may karapatang magdesisyon ukol sa posibilidad ng suspensyon.
Gayunpaman, sinabi ni Lorenzana na maaari namang magrekomenda ang ‘security cluster’ ng pagpapaliban sa eleksyon sa ilang bahagi lamang ng Mindanao at ito ay sa ilalim lamang ng ‘case-to-case’ basis.