‘Feminism’ itinanghal na ‘word of the year’ ng Merriam-Webster

 

Pinangalanan ng leading US-dictionary na Merriam-Webster ang salitang ‘feminism’ bilang ‘word of the year’ ng taong 2017.

Bunsod ito ng paglobo ng bilang ng online searches para sa naturang salita.

Lumobo sa 70% mula 2016 ang bilang ng mga taong nananaliksik ukol sa ‘feminism’.

Ayon sa Merriam-Webster, nakatulong upang lumaganap ang interes ng tao para sa nasabing salita ang ilang mga naging protesta ng mga kababaihan; mga palabas sa telebisyon at pelikula na ang paksa ay mga usaping may kinalaman ang mga kababaihan at mga balita na may kinalaman sa ‘sexual assault’ at ‘harassment’.

Ayon sa diksyonaryong ito, ang ‘feminism’ ay tumutukoy sa pantay na karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan na matamasa ang karapatang panlipunan, ekonomikal at pulitikal.

Ilang Women’s March ang naganap sa Washington at sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang naganap kasunod ng inagurasyon ni US President Donald Trump.

Nagkaroon kasi ng kontrobersyal na komento ukol sa kababaihan si US President Donald Trump na nairekord taon pang 2005.

Napalawig pa ang interes sa feminismo matapos sabihin ni White House Kellyanne Conway na hindi niya ikinokonsidera ang kanyang sarili bilang isang ‘feminist.’

Ilan naman sa mga palabas na may malakas na temang ‘feminismo’ ay ang ‘Wonder Woman’ at ‘The Handmaid’s Tale’.

Read more...