Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Urduja sa 295 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugso na aabot sa 65 kilometers per hour.
Inaasahang patuloy nitong tatahakin ang direksyong West Northwest sa bilis na 7 kilometers per hour.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Eastern Samar, Northern Samar at Samar.
Katamtaman hanggang malakas na ulan ang inaasahang mararanasan sa mga lugar na sakop ng 400 kilometers diameter ng bagyong Urduja.
Makararanas rin ng manakanaka hanggang malawakang pag-ulan ang MIMAROPA, Bicol Region, Visayas at Mindanao.
Nagpaalala ang PAGASA naman sa mga residente sa posibilidad ng pagkakaroon ng landslides at flashfloods sa mga lugar na nakararanas ng pag-ulan.
Samantala, dahil sa sama ng panahon dala ng Urduja, sinuspinde na ang mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Naga City, alinsunod na rin sa anunsyo ni Mayor John Bongat.