Sa botong 16 na pabor at 4 na hindi pabor, naaprubahan ang committee report na isa sa mga priority bills ng Duterte administration.
Ilan sa mga nilalalaman na pagbabago sa TRAIN, ay ang mga panukalang hindi na sisingilin ng buwis ang mga manggagawa na kumikita ng 250,000 annual income.
Gayunman, itinataas naman sa naturang panukala ng hanggang anim na piso ang buwis sa mga softdrinks at iba pang mga inumin.
Lalagyan na rin ng excise tax ang diesel na aabot sa P2.50 kada litro sa 2018, hanggang anim na piso hanggang sa taong 2020.
Magkakaroon na rin ng limang porsiyentong excise tax sa mga cosmetic procedures, plastic surgery at iba pang uri ng body enhancements.
Kabilang sa mga tumanggi na maisulong ang panukala sina Senador Antonio Trillanes IV, Bam Aquino, Risa Hontiveros at Ping Lacson.