WATCH: Tricycle driver, sinaksak ng kasamahang driver matapos magkapikunan sa sugal

Kuha ni Mark Makalalad

Anim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ni Ramsey Rojo na himalang nakaligtas sa pag-atake ng kaniyang kapwa tricycle driver sa Juan Luna Hermosa, Brgy. 186 zone 16, Tondo, Manila.

Nagkapikunan kasi ang dalawa at nagkahamunan ng santukan habang naglalaro ng cara y cruz.

Nang mapuruhan at madehado sa suntukan, agad na dumampot ng screw driver si Saturnino dahilan para mapatakbo si Rojo.

Sa pagkaripas nang takbo, nadapa si Rojo at dito na sya inundayan ng saksak ni Saturnino.

Depensa naman ng suspek, unang syang inaway ng biktima.

Narito ang report ni Mark Makalalad:

 

 

 

 

 

 

Read more...