Tropical storm warning, itataas ng PAGASA sa ilang lugar dahil sa bagyong Urduja

Napanatili ng bagyong Urduja ang lakas nito habang kumikilos sa direksyong North Northwest.

Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 405 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Kumikilos ito sa bilis na 7 kilometers bawat oras sa direksyong North Northwest.

Ayon kay PAGASA weather specialist Meno Mendoza, sa susunod na 36 na oras ay maaring lumakas ang bagyo at maging isang tropical storm.

Dahil dito, posibleng mula mamayang gabi ay magtaas na ng tropical storm warning signals ang PAGASA sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.

Ani Mendoza kung hindi mababago ang kilos at forecast track ng bagyo ay maaapektuhan nito ang Metro Manila sa Linggo at sa Lunes.

Sa ngayon, nagdudulot na ito ng kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan sa Visayas at Bicol Region.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...