PNP Chief Ronald Dela Rosa, itinalaga bilang Bucor director ni Pangulong Duterte

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine National Police Director General Ronald Dela Rosa bilang bagong hepe ng Bureau of Corrections (Bucor).

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa Christmas party ng Malacañang Press Corps (MPC), Martes ng gabi.

Ayon sa pangulo inalok mismo niya kay Dela Rosa ang pamumuno sa Bucor.

Kinumpirma din ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na si Dela Rosa na nga ang magiging susunod na hepe ng Bucor.

Sa January 21, 2018 ay magreretiro na sa PNP si Dela Rosa.

Una nang nagpahiwatig noon si Dela Rosa na siya ay inaalok ni Pangulong Duterte ng pwesto sa gobyerno dahil siya ay paretiro na sa PNP.

Inilarawan pa ni Dela Rosa na “napakahirap” ng ibibigay sa kaniyang trabaho ng pangulo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...