Ayon sa Cebu Pacific, naantala ang nasabing mga biyahe dahil sa technical problem sa eroplano.
Nakatakda sanang lumipad ang nasabing eroplano patungong Taipei, Taiwan mula sa Manila noong Lunes ng 11:40 ng tanghali pero na-delay ito hanggang 7:21 ng umaga ng Martes.
Ang return flight naman na 5J311 mula Taipei patungong Manila na nakatakdang lumipad ng alas 4:00 ng madaling araw ng Martes ay naantala din, at nakaalis na bandang alas 10:00 ng umaga.
Tiniyak ng Cebu Pacific na inasiste nila ang lahat ng mga pasahero na naapektuhan ng delayed flights.
Binigyang-diin nila ng pagkain at travel vouchers ang lahat ng mga pasahero.