Sa isang panayam, sinabi ni Bello na kahit gawing dalawang libong piso ang idagdag sa sweldo ng mga kasambahay ay kulang pa rin ito.
Mababa pa rin aniya ang sweldo na P3,500 o P4,500 para sa mga kasambahay.
Una nang inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board National Capital Region ang P1,000 wage increase para sa mga kasambahay sa Metro Manila noong November 30.
Kinumpirma naman ito ni Sec. Bello noong December 2.
Dahil dito, obligado na ang mga employer na swelduhan ang kanilang kasambahay ng P3,500, sa halip na P2,500 kada buwan.
Pero nilinaw ni Bello na ang P1,000 wage increase ay para lamang sa mga kasambahay na kasalukuyang tumatanggap ng P2,500 na sweldo.
Magmumulta naman aniya ang mga employer na hindi susunod sa kautusan ng hindi bababa sa P10,000.