11.54% increase sa tourist arrivals naitala ngayong 2017-DOT

 

Naitala ang 11.54 percent na paglago sa bilang ng mga turistang dumayo sa bansa sa unang sampung buwan ng 2017 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon ayon sa Department of Tourism.

Sa datos na inilabas ng DOT, mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon ay umabot sa 5, 474, 310 ang turistang dumating sa bansa kumpara sa 4, 908, 017 na naitala sa kaparehong panahon noong 2016.

Nananatili ang mga South Koreans bilang ‘top visitors’ na umabot sa 1, 332, 141 o 24.33 percent ng kabuuang bilang na sinundan ng China na may 810, 807 arrivals o kabuuang 14.81 percent ng market share.

Ang pagdating ng mga Tsino ay lumobo nang husto sa 39.28 percent habang ang mga galing India ay nagtala naman ng 20.28 percent na pagtaas.

Samantala, bumagsak sa ikatlong pwesto ang Estados Unidos na may 14.34 percent o 785, 269 arrivals.

Sinundan naman ito ng Japan na may 490, 857 at Australia na may 206, 443.

Samantala lumobo rin ang kita ng bansa sa ‘visitor receipts’ na nagtala ng ‘double digit’ at kapansin-pansing pagtaas sa 36.28 percent o 243.23 bilyong piso mula Enero hanggang Setyembre.

Mas mataas ito sa naitalang kita sa kaparehong panahon noong 2016 na nasa 178 bilyong piso lamang.

Ayon kay DOT Secretary Wanda Corazon Tulfo-Teo, mas pag-iibayuhin pa ng kagawaran ang marketing strategies nito kabilang na ang paggamit ng social media sa pagtataguyod sa mga gumagandang destinasyon sa bansa.

Read more...