Panukalang P3.7-T national budget ratipikado na sa Senado at Kongreso

 

Niratipikahan na sa Senado at Kongreso ang panukalang P3.7-trilyong pisong national budget para sa taong 2018.

Sa naturang panukala, ang Department of Education ang nakatanggap ng pinakamalaking alokasyon sa halagang P553.3 bilyong piso.

Sunod dito ang Department of the Interior ang Local Government (P170.8-B), Department of National Defense (P149.7-B) at Deaprtment of Social Welfare and Development (141.8-B).

Ayon kay Senador Loren Legarda, chairperson ng finance committee, nakasalalay sa pondo ng pamahalaan ang katiyakan na mapapanatili ng bansa ang estado bilang isa sa ‘fastest growing economy’ sa Asya.

Samantala, ayon naman kay House appropriations committee chairman Karlo Alexei Nograles, inaasahang lalagdaan ng pangulo ang panukalang National Budget sa December 19.

Sa nasabing pondo, dinagdagan ng isanlibong piso ang cash allowance ng mga guro at ng sampung milyon ang capital outlay ng bawat state college and university.

Pinaglaanan rin ng budget na 40 milyon ang libreng higher education ng mga mag-aaral ng mga SUC.

Nakasaad rin sa budget ang paglalaan ng 62 bilyong pisong pondo para sa umento sa sahod ng mga pulis at sundalo na ibibigay simula January 1, 2018.

P334 Milyon naman ang nakalaan para sa pagbili ng body camera na gagamtiin ng mga pulis sa kanilang operasyon.

Inilagay naman sa poabahay ng mga sundalo at pulis ang 952 milyong inilaang pondo na para sana sa Oplan Double Barrel ng PNP

Read more...