SoKor, wagi kontra NoKor sa East Asian Championship

 

Sa kabila ng alitang pulitikal sa pagitan ng dalawang bansa ay mapayapang naglaban sa soccer field ang North and South Korea para sa East Asian Championship.

Wagi ang South Korea kontra North Korea sa iskor na 1-0 sa laban na ginanap sa Tokyo, Japan.

Hindi naging maswerte ang pagtira ni Ri Yong Chol ng North Korea matapos itong magresulta sa isang ‘own-goal’ dahilan para maibigay ang iskor sa kalaban.

Mapayapang inawit ang national anthem ng dalawang bansa sa Ajinomoto Stadium.

Ayon kay North Korea coach Jorn Anderson, espesyal ang naging larong ito para sa kanilang mga manlalaro at maging sa kanilang bansa.

Ito ay sa gitna ng tensyong nabubuo sa serye ng missile tests ng NoKor na nagreresulta sa military exercises ng Estados Unidos at South Korea.

Kapwa tinalo na ng Japan ang North Korea at China.

Samantala, matatapos ang torneo sa December 16 kung saan makakatapat ng Japan ang South Korea para sa kampeyonato habang makakalaban pa rin ng China ang North Korea.

Read more...