Mga armas na nasabat sa Marawi, wawasakin ng Army

 

Wawasakin na ngayong araw ng Philippine Army ang mga daan-daang mga armas na kanilang nakumpiska sa kasagsagan at pagkatapos ng limang buwang bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Lt. Col. Ray Tiongson, kabuuang 652 na armas ang sisirain sa headquarters ng Army gamit ang pison, na susundan ng pagputol sa mga ito gamit ang metal bound circular saw.

Kabilang sa mga sisiraing armasy ay iba’t ibang klase ng mga armalites, rocket-propelled grenade at sniper rifles.

Sasaksihan din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabi ni Tiongson na “ceremonial demilitarization” ng mga nasabing armas.

Paliwanag ni Tiongson, mayroong tamang procedure para sa disposal ng mga nakumpiskang armas tulad ng mga ito.

Pagkatapos ng pagdurog sa mga ito, saka ito susunugin at itatapon.

Read more...