2 Pinoy na inaresto sa Malaysia itinanggi na sila ay mga terorista

Photo: The Star Online

Pinabulaanan ng dalawang Pilipino na inaresto sa Malaysia ang pagkakasangkot sa plano umanong pag-atake sa closing ceremony ng ika-29 Southeast Asian Games, at anumang ugnayan sa bandidong Abu Sayyaf group.

Batay sa ulat ng Star Online, sumalang na sa pag-uusig sina Hajar Abdul Mubin at kanyang bayaw na si Abdul Syamir Dabillin.

Si Hajar alyas Abu Asrie ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 130 KA ng Penal Code ng Malaysia dahil sa pagiging miyembro umano ng ASG mula pa noong 2010.

Inakusahan din si Hajar ng pagsasagawa ng terror acts sa Malaysia.

Ayon sa pulisya, si Abu Asrie umano ang lider ng ng teroristang grupo na sinalakay ng mga pulis sa Bukit Jalil National Stadium noong August 30.

Samantala, sinampahan naman ng kasong paglabag sa Section 130M ng Penal Code ng Malaysia si Dabilin.

Ito ay dahil sa sinadya umano nitong bawasan ang impormasyon kaugnay ng isang terror act.

Kabilang ang naturang dalawang Pilipino sa anim na Malaysian at 11 hinihinalang terorista na inaresto sa dalawang buwang anti-terrorist operation ng Malaysian police bago ang SEA games.

Magpapatuloy ang pagdinig sa kaso nina Hajar at Dabilin hanggang Enero.

Read more...