Pinaiimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga anomaliya sa Development Academy of the Philippines (DAP).
Tugon ito ng palasyo sa panawagan ng mga empleyado ng DAP na busisiin ang mga junket o pagbiyahe sa abroad ng mga opisyal pati na ang paglalagay ng mga taong hindi kwalipikado sa posisyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw ang paninindigan ng pangulo na zero tolerance ito lalo na kung isyu sa korupsyon ang pinag-uusapan.
“Well, it was made in a very public manner. And I’m sure the President will investigate this particular complaint. As you can see, the President does not take issues of corruption sitting down”, paliwanag ni Roque.
Iginiit pa ng opisyal na kahit ang mga malalapit na kaibigan ng pangulo ay nasibak na sa serbisyo matapos masangkot sa korupsyon.