Bilang ng walang trabaho, bahagyang tumaas

Bahagyang tumaas ang jobless rate o bilang ng mga walang trabaho pero nabawasan naman ang bilang ng underemployed sa bansa noong Oktubre.

Sa resulta ng Philippine Statistics Authority (PSA) October 2017 Labor Force survey, tumaas sa 5 percent ang unemployment mula 4.7 percent sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Lumabas din sa paunang pagtataya na bumaba naman sa 15.9 percent ang underemployment mula sa 18 percent noong 2016.

Ayon sa PSA, ang underemployed ay ang may trabahong tao na nais magkaroon ng dagdag na oras ng trabaho sa kasalukuyang pinagtatrabahuhan.

Maaari rin itong mangahulugan ng dagdag na trabaho o bagong trabaho na mahaba ang oras at may dagdag na kita.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...