Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, korapsyon ang pangunahing dahilan ng pangulo sa pag-abolish sa PCUP.
Partikular na binanggit ni Roque ang pagkakaroon umano ng junkets abroad ng mga commissioner nito at sa kabila ng pagiging isang collegial body ay hindi umano nagpupulong ang mga opisyal nito bilang collegial body.
Ang PCUP ay pinamumunuan ni dating Kabataan Party list Rep. Terry Ridon bilang chairperson.
Ani Roque, naabisuhan naman niya si Ridon hinggil sa plano ng pangulo.
Pansamantala, ang Department of Housing ang posibleng tumutok muna mga gawain ng PCUP.
Magugunitang inanunsyo ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo na mayroon siyang “sisibakin” na isang buong komisyon dahil sa isyu ng korapsyon.