Sa tweet ni Dr. Eric Tayag, assistant secretary for policy and health systems ng Department of Health, sinabi nito na severe dengue ang tumama sa nasabing bata.
Kahapon aniya, habang siya ay nanonood ng hearing sa Senado kaugnay sa pagbili ng pamahalaan sa nati-dengue vaccines ay ipinagdarasal niya ang kondisyon ng bata na noon ay nasa ospital.
Nagkaroon aniya ng organ failure ang bata dahil sa severe dengue at nasawi kaninang umaga.
Ang nasabing bata ay hindi pa aniya nakatanggap ng bakuna kontra dengue.
Base sa naging kampanya noon ng DOH, ang Dengvaxia ay ibinibigay sa mga batang edad 9 na taon pataas.
Hindi naman tinukoy ni Tayag kung saan nakatira ang batang nasawi.