Mahigit 100 pamilya, nawalan tirahan sa magkahiwalay na sunog sa Las Piñas at Marikina

Kuha ni Mark Makalalad

Nawalan ng tirahan ang mahigit 100 pamilya sa sunog na naganap sa Las Piñas City, Lunes ng gabi at sa Marikina City, Martes ng madaling araw.

Sa BF Martinville sa Brgy. Manuyo Dos, Las Piñas City, tinupok ng apoy ang isang residential area.

Tumagal ng halos 3-oras ang sunog na umabot ng 4th alarm.

Nasa 50 mga bahay ang nasunog at aabot sa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Ayon kay FO2 Daisy Pedralvez, arson investigator, hindi pa batid ang pinagmulan ng sunog.

Pero batay sa mga residente ng lugar, nagkaroon daw ng alitan si Cubio at isa sa mga nagrerenta sa pinapaupahan nito at maya-maya ay nagkasunog na.

Dinala naman sa multi-purpose ng Brgy. Manuyo Dos ang mga nabiktimang pamilya.

Samantala, sa Brgy. Concepcion Uno sa Marikina, anim na bahay naman ang nasunog Martes ng madaling araw.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog na nagsimula sa bahay ng pag-aari ng isang Soli Tiamzon.

Isa sa mga tinitignang sanhi ng apoy ay problema sa electrical wiring bigla na lamang kasing narinig na pumutok ang ilang residente ng lugar.

Ala 1:28 na ng umaga nang maideklarang fire out ang sunog.

Wala namang naitalang nasugatan sa insidente at aabot sa P300,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...