Ayon kay PAGASA, weather specialist Samuel Duran, posibleng maging bagyo ang nasabing LPA sa susunod na 24 hanggang 48 oras.
Papangalanan itong Urduja sa sandaling maging bagyo habang nasa sa loob ng bansa.
Dahil sa extension ng nasabing LPA, makararanas na ng pag-ulan sa Mindanao, MIMAROPA at ilang bahagi ng Visayas.
Tail-end ng cold front naman ang magdudulot ng pag-ulan sa Bicol region, Eastern Visayas, mga lalawigan ng Quezon, Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.
Habang ang mga rehiyon ng Cordillera, Ilocos, nalalabing bahagi ng Central Luzon, Cagayan Valley, Aurora Province at Metro Manila ay apektado ng Northeast Monsoon.