Mga sundalo, naka-engkwentro ang mga hinihinalang NPA sa Nueva Vizcaya

Tumagal ng sampung minuto ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo ng 72nd Division Reconnaissance Company ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Sanguit sa bayan ng Dupax del Sur, Nueva Vizcaya.

Ayon kay First Lt. Catherine Hapin, tagapagsalita ng Philippine Army 7th Infantry Division, maswerteng walang nasugatan sa panig ng mga sundalo.

Narekober ng panig ng pamahalaan ang dalawang high-powered na mga armas, bala, at pagkain na iniwan na ng komunistang grupo sa pinangyarihan ng bakbakan.

Ito na ang ikalawang beses na nagka-engkwentro ang mga militar at mga rebelde sa naturang barangay.

November 9 nang unang magharap ang mga hinihinalang miyembro ng NPA at 84th Infantry Battalion, kung saan napatay ang isang rebelde.

Sugatan naman sa naturang engkwentro ang 11 mga sundalo.

Read more...