Western Iran, niyanig ng magnitude 5.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang kanlurang bahagi ng Iran gabi ng Lunes.

Naitala ang sentro ng lindol malapit sa bayan ng Ezgele, ngunit umabot ang pagyanig sa lungsod ng Kermanshah.

Ayon sa Iranian state media, nasa magnitude 6.0 ang lindol, ngunit ayon sa US Geological Survey, nasa 5.4 lamang ito.

Wala namang naitalang namatay o nasaktan dahil sa pagyanig.

Nobyembre naman nang maitala sa kaparehong lugar ang magnitude 7.3 na lindol, kung saan nasa 530 katao ang namatay.

Read more...