Ayon kay Drilon, alinsunod sa Saligang Batas at ayon sa Korte Suprema, kailangan munang mayroong aktwal na armed uprising na nagpapakita ng rebelyon o pananakop bago ito maaring payagan ng Kongreso.
Sa kabila ng kaniyang paninindigan, sinabi ni Drilon na mas makabubuti pa rin na marinig niya muna ang payo ng mga martial law administrators bukas.
Samantala, nilinaw naman ng senador na hindi isang factor sa desisyon ng pagpapalawig ng martial law ang mga sentimyento ng mga residente sa Mindanao.
Kung isasama kasi ito sa konsiderasyon, kakailanganin ang palagiang pagsasagawa ng survey kung gusto ba nila o hindi ang pagpapatupad ng martial law extension.