Isang KTV bar sa Caloocan, sinalakay ng mga otoridad

Nasagip ng Philippine National Police Women and Children Protection Center – Anti-Trafficking in Persons Division (PNP-WCPC-ATIPD) ang 17 kababaihan matapos nilang salakayin ang isang KTV bar sa kahabaan ng 8th Avwnue sa lungsod ng Caloocan.

Mula sa nasabing bilang, nasa sampung kababaihan ang hinihinalang pawang mga menor de edad.

Isa sa dalawang mga target ng operasyon ang naaresto ng mga otoridad.

Sa paunang impormasyon ng mga pulis, napag-alaman nilang binubugaw ng mga suspek ang mga kababaihan at kabataan sa mga parokyano ng naturang resto bar.

Read more...