Ipambabala ng Malacañang ang martial law extension sa Mindanao region para labanan ang New People’s Army (NPA).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may sapat na kapangyarihan si Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang martial law administrator na gawin ang mga pag-aresto sa mga miyembro ng rebeldeng grupo tulad ng paghuli sa mga terorista, mga taga-suporta at mga financier na nagpondo ng giyera sa Marawi City.
Sinabi pa ni Roque na gagamitin ng pangulo ang lahat ng kapangyarihan nito para mahabol ang mga rebelde hangga’t gumagawa ang mga ito ng rebelyon laban sa pamahalaan.
Tiwala si Roque na pag-iibayuhin pa ng rebeldeng grupo ang mga pag-atake laban sa pamahalaan makaraan silang ideklara bilang isangn teroristang grupo ni Pangulong Duterte.