Jardeleza: Sereno committed acts of treason and disloyalty to the nation

Radyo Inquirer

Idinetalye ni Supreme Court Associate Justice ang ilang sa mga dahilan kung bakit pilit na hinarang ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kanyang dating nominasyon sa Mataas na Hukuman noong ito ay nasa Judicial and Bar Council pa lamang.

Hindi umano nagustuhan ni Sereno at Senior Associate Justice Antonio Carpio ang kanyang naging diskarte bilang Solicitor General sa isyu ng paghahabol sa The Hague ng karapatan ng Pililipinas sa West Philippine Sea.

Naging maingat umano siya sa paglalabas ng ilang mga detalye at magiging galaw ng pamahalaan sa isyu pero nakakapagtakang naisapubliko ang ilang mga sensitibong dokumento ng dahil mismo kay Sereno.

Inakusahan umano siya ng pagtataksil sa bayan ng Chief Justice samantalang si Sereno daw mismo ang may pagkakamali sa mga kumalat na dokumento.

Ayon kay Jardeleza, “Ano po ang paratang sa akin? Ang paratang po ay nakasaad sa supplemental comment ng CJ; ang part 2 ay statement of the CJ on integrity objection. Noong pumanig ako na huwag isama ang 14 paragraphs sa Hague ruling, ako ay disloyal to the republic.”

“Bakit niya gagamitin ang classified document? Hindi siya kasama sa arbitration. Ang ginamit niyang document ay isang legally-secured document. Binabalik ko kay Sereno ang paratang na disloyal to the government”, dagdag pa ni Jardeleza.

Kinatigan naman ni dating Associate Justice Arturo Brion ang naging pahayag ni Jardeleza, “The judiciary has no business intruding into this matter, especially since this presents a national security concern”.

“Lumampas si Sereno doon; it is essentially an executive domain. Tinatanong na ni Jardeleza kung ano ang grounds, hindi sinasabi. June 30, pinaliwanag ni Justice Carpio….hinintay nila until Aug. 15, noong hindi na pwedeng sagutin, na ilagay sa kanilang comment. Ano’ng intensiyon nila? ang tawag ko diyan ay malicious”, dagdag pa ni Brion.

Samantala, muli namang binuweltahan ni Associate Justice Teresita De Castro si Sereno sa pagbalewla nito sa ilang mga bakanteng posisyon sa mga hukuman.

Ayon kay De Castro, “Sereno has allowed key positions in SC to remain vacant for four years: I am taking the cudgels for court officials and employees who haven’t had their promotions because of unfilled positions”.

Pero nilinaw ng opisyal na wala siyang personal na sama ng loob sa Chief Justice, “I am not doing this for personal reasons, I am doing this for the institution. The public deserves to know exactly what is happening in SC, especially with respect to what CJ is doing”.

Read more...